Saturday, September 6, 2014

Bus dumayb sa bangin, 2 tigbak, higit 40 sugatan

PATAY ang dalawang lalaki nang aksidenteng mahulog ang sinasakyang bus sa bahagi ng zigzag road ng Bry. Silangang Malikboy, Pagbilao, Quezon. Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ng Pagbilao Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng namatay na biktima.


Una rito, bandang 3:15am kanina, Setyember 7, nang maganap ang malagim na aksidente na kinasangkutan ng Reymond Bus.


Ayon kay P/C/Insp. John Von Noyda, Hepe ng Pagbilao PNP, galing umano ng Masbate ang bus patungong Maynila ng mawalan ng preno at dumiretso sa bangin na may lalim na 100 feet.


Mabilis naman rumesponde ang mga residente at nagtulong-tulong na madala sa ospital ang 43 nasugatan kabilang ang driver at konduktor.


Nasa mabuting kalagayan ang karamihang nagtamo lamang ng minor injuries, habang pinaghahanap pa ang mga bata nasa loob ng bus. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus dumayb sa bangin, 2 tigbak, higit 40 sugatan


No comments:

Post a Comment