Wednesday, September 3, 2014

Anak ng Bgy. Captain, nagpositibo sa MERS-CoV

NAGPOSITIBO umano sa MERS-CoV ang anak ni Kusan, Banga, South Cotabato Barangay Chairman Leon Pillado.


Kinilala ang nagpositibo na si Arlyn Segumalian, 38, na kauuwi lamang nito noong Agosto 31, 2014 mula Saudi Arabia na nagtatrabaho bilang nurse.


Ayon sa report, noong nasa Saudi pa lamang umano ang anak ng kapitan, nagkaroon na ito ng sintomas ng virus matapos na na-assign sa ICU na may pasyente rin na positibo sa naturang virus.


Subalit, bago raw ito umalis pauwing Pilipinas, naka-recover na umano ito at base sa ginawang eksaminasyon ng ospital kung saan ito nagtatrabaho, negatibo ito sa naturang sakit.


Pero, nabigla na lamang umano ang anak ng kapitan nang tawagan ito ng ospital na pinagtatrabahuhan sa Saudi na positibo umano ito sa virus kasama pa ang isang Pinay nurse na katrabaho nitong umuwi rin sa Pinas.


Sa ngayon, isinasailalim na sa eksaminasyon ang anak ng kapitan at binibigyan ng karampatang lunas sa Davao Medical Center dahil sa mga sintomas ng virus na kanyang nararanasan. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Anak ng Bgy. Captain, nagpositibo sa MERS-CoV


No comments:

Post a Comment