UMABOT sa 21 pasahero ang namatay matapos ang head-on collision ng bus at van sa Kumasi-Accra road sa Ghana.
Ang Ghana ay estado sa subregion ng West Africa.
Ayon sa pulisya, 15 katao ang dead on the spot nang bumangga ang Mercedes Benz Sprinter bus sa Toyota Hi-Ace bus.
Habang ang iba pang biktima ay dead on arrival sa ospital.
Kabilang sa mga namatay ang 12 kalalakihan at siyam na kababaihan.
Maliban sa mga nasawi, mayroon pang mga nasugatan sa insidente na ngayon ay kritikal sa pagamutan.
Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng aksidente. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment