Sunday, September 29, 2013

Pekeng LTO enforcer, arestado sa extortion

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inaresto ni Land Transportation Office (LTO)-Region 1 Chief Teofilo E. Guadiz III ang isang grupo ng kalalakihan na nagtangkang mangikil ng pera sa isang grupo ng mga jeepney driver sa San Fernando City, La Union.


Kasama ni Guadiz ang kanyang mga tauhan na nagpapatrulya sa San Fernando City nang mapansin nila ang isang grupo ng mga nakasuot ng uniporma ng LTO na nanghihingi ng pera sa isang grupo ng mga jeepney operator, hapon noong Setyembre 26.



Kinilala ang isa sa mga nagpanggap na taga-LTO na si Marino Soriano Jr., tubong Paniqui, Tarlac at anak ng retiradong LTO district head sa Tarlac. – Liezle Basa Iñigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pekeng LTO enforcer, arestado sa extortion


No comments:

Post a Comment