AYON sa isang ulat, mahigit 450,000 password user ng Yahoo ang na-hack (natunton ng ibang user), anim na milyon naman sa LinkedIn. Marami sa atin ang sanay na sa ganitong pangyayari, na nawawala na ang seguridad ng ating mga account sa cyberspace.
Gayunman, marami rin sa atin ang hindi alam na sa katiting na pag-iingat ay mapoprotektahan natin ang ating sarili upang huwag maging biktima ng hacking. Sa dami ng masasamang loob na naglipana sa mundo ng teknolohiya, napapanahon na upang protektahan ang ating mga password sa paraan kung paano natin pinoprotektahan ang Personal Identification Number ng ating mga ATM.
Kadalasang nagiging biktima ng hacking ang mahihinang password – ang madaling hulaan. Kaya narito ang ilang tips mula sa mga eksperto upang maprotektahan ang ating mga password:
- Gumamit ng iba’t ibang password. Sa bawat account mo, tiyakin na iba-iba ang iyong password. Kung dalawa ang email address mo, kailangang magkaiba ang password ng mga ito.
- Laging mag-sign out. Huwag lang basta isara ang email. Laging mag-sign out tuwing matatapos ang iyong email session lalo na kung nasa isang Internet Café ka. Kapag hindi ka nag-sign out sa iyong email account, madaling palitan iyon ng kung sinong nais mambiktima sa Internet Café.
- Huwag sa Internet Café. Hindi ka naman pinagbabawalang gumamit ng computer sa paborito mong Internet Café ngunit dapat mo ring pag-isipan (mga sampung beses) kung magbubukas ka roon ng personal mong email account. Iba’t ibang klaseng parokyano ang pumapasok sa Internet Café. Hindi mo alam kung sinu-sino ang nakakikita ng strokes o pagtiklado mo ng keyboard habang nagbubukas ka ng iyong email account. At kung malimutan mong mag-log out, para na ring binuksan mo ang iyong bahay para pasukin ng mga magnanakaw.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment