Ni Leonel Abasola
Igagalang ni Senate President Franklin Drilon ang desisyon ng mayorya kaugnay ng pag-subpoena kay Janet Lim-Napoles para sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa P10-bilyon pork barrel scam.
May posibilidad na magkaroon ng botohan kapag nagmatigas si Drilon na hindi lagdaan ang subpoena, batay na rin sa opinyon ng Office of the Ombudsman, na hiningan niya ng payo.
“Ako naman po, kung iyon ang majority rules, I think kung ano po ang pagpapasyahan ng majority, iyon po ang masusunod. Iyan po ang patakaran sa isang demokrasya, majority rules,” ayon kay Drilon.
Gayunman, tiwala si Drilon na mauunawaan ng mayorya ng mga senador ang kasalukuyang sitwasyon.
Nagbanta kasi si Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona III na may opsiyon silang kinukonsidera sakaling magmatigas si Drilon.
Muling lumiham si Drilon sa Ombudsman, matapos na hilingin ni Guingona na ikonsidera ng una ang kanyang desisyon.
“Sa tingin ko naman naintindihan ng majority ang kahilingan ng Ombudsman na huwag muna ngayon at this time.
At kung nagkamali man ako on the side of prudence and caution, I defer to the advice of the Ombudsman na sa panahon ngayon, huwag muna, kaya ni-refer ko muli ang request ni Sen. Guingona,” sabi ni Drilon.
Iginagalanag naman ni Sen. Francis Escudero ang desisyon ni Drilon pero iginiit na sa kanyang personal na pananaw ay dapat na humarap si Napoles sa imbestigasyon ng Senado.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment