Monday, September 30, 2013

MAGNILAY-NILAY

“What have I sought that I should shun? What duty have I left undone, or into what new follies run? These self-inquiries are

the road that leads to virtues and to God.” – Isaac Watts


Spoiled si Gelli sa kanyang ama. May boyfriend si Gelli, si R-jay. Isang mayaman na kaklase niya sa Business Management.


Nang araw na iyon ay nagkaisa ang magnobyo na hindi sila papasok sa tatlo nilang asignatura. Lalabas sila at ipagdiriwang ang isang taon nilang love affair.



Samantala, ang kanyang ama na si William ay hindi pumasok nang hapong iyon. Pupunta siya sa bahay ng kanyang girlfriend, si Myrna, na dati niyang kaklase sa high school. Nang magkita silang minsan ay umiiyak si Myrna. Ipinagtapat na ito’y isang dalagang-ina. Walang trabaho si Myrna kaya si William ang nagbibigay ng suporta.


Magdadalawang-taon na ang anak ni Myrna na si Chona. May nakabalot na manika si William na likurang upuan ng kanyang kotse. Ang manika ay tumatawa, kumakanta at humahakbang at nagkakahalaga ng limang libong piso. Matutuwang tiyak si Chona.


Nagmamadali si William na makarating sa apartment ni Myrna.


Samantala, nagkagulo-gulo ang traffic sa dinaraanan dahil sa isang banggaan, hanggang natanaw ni William ang kanyang anak na si Gelli na pagkasaya-saya sa loob ng isang kotse, kasama ang isang lalaking teenager. Hindi niya kilala ang lalaking iyon. Marahil ay kaklase.


Sinundan ni William ang kotse na minamaneho ng lalaking kasama ni Gelli. Mabilis na nagtungo ang kotse sa isang motel.

Sa harap ng motel ay nagover take ang kotse ni William, kaya huminto ang kotse ni R-jay. Hinatak ni William ang dalaga at isinakay sa sariling kanyang kotse, sa labis na pagkabigla ng magnobyo.


Walang kibuan ang mag-ama. Nagtaka ang ina ni Gelli kung paano nagkasabay ang mag-ama, ‘pagkat laging gabi ang uwi ng kanyang asawa.


Simula noon ay gumagawa na ng pagninilay-nilay si William. Tiyak ang kanyang pagbabago simula nang araw na iyon.


Ang mahal pala niyang anak ang magbabayad ng kanyang sala.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAGNILAY-NILAY


No comments:

Post a Comment