Sunday, September 29, 2013

3 bahay, inararo ng truck; 2 patay

LAUREL, Batangas – Patay ang dalawang menor de edad at siyam na iba pa ang nasugatan, kabilang ang isang tatlong taong gulang, makaraang araruhin ng truck ang tatlong bahay sa Laurel, Batangas.



Kapwa dead on arrival sa Lemery Provincial Hospital sina Dustine Ocampo, 5; at Mary Anne Mendoza, 15; habang isinugod din sa naturang ospital ang siyam na nasugatan, na pawang taga-Barangay Dayap.


Kabilang sa nasugatan ang driver ng truck na si Jayson Manalo, 27; at ang pahinanteng si Ronnel Abejero, kapwa taga-Calaca, Batangas. – Lyka Manalo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 bahay, inararo ng truck; 2 patay


No comments:

Post a Comment