Monday, September 30, 2013

Minnesota, muling umusad sa finals

PHOENIX (AP)- Muling nagbalik ang Minnesota sa pamilyar na lugar- WNBA finals.


Umiskor si Maya Moore ng 27 puntos habang nagtala si Seimone Augustus 22 upang pataubin ng Lynx ang Phoenix Mercury, 72-65, upang umabante na taglay ang sweep sa best-of-three WNBA Western Conference finals.



Ito ang ikatlong sunod na season na ang Minnesota ay tumuntong sa championship round.


”It’s really fun but it’s still not the ultimate prize,” saad ni Moore, may average na 21.5 points sa playoffs. ”We definitely appreciate where we are, we’re going to enjoy it for a couple of days but it’s still the same focus, the same determination, I think even more so than year one.”


Bubuksan ng Minnesota ang finals sa Oktubre 6 sa sariling pamamahay laban sa Atlanta, kunumpleto ang pagwalis kontra sa Indiana. Ito ang sinasabing rematch sa 2011 championship kung saan ay pinulbos ng Lynx ang Atlanta sa tatlong mga laro.


Nagposte si Diana Taurasi ng 21 puntos para sa Phoenix, ngunit 6-of-21 mula sa field. Nag-ambag si Candice Dupree ng 17 puntos, habang si No. 1 draft pick Brittney Griner ay nagkaroon lamang ng 6 puntos at 10 rebounds.


Tinalo ng Minnesota ang Phoenix, 85-62, sa Game 1 noong Biyernes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Minnesota, muling umusad sa finals


No comments:

Post a Comment