Saturday, September 28, 2013

Ballot printing, matatapos na

Nasa 80 porsiyento na ang naiimprenta sa mga balotang gagamitin sa barangay elections sa Oktubre 28, ayon sa Commission on Elections (Comelec).


Sinabi ni Comelec Commissioner Grace Padaca na 100 porsiyento nang tapos ang pag-iimprenta ng mga balota sa may 45 lalawigan.



Sa kanyang Twitter account (@gracempadaca), sinabi ni Padaca na isa sa mga unang natapos ang pag-iimprenta sa mga balota para sa Zamboanga Peninsula.


Gayunman, nilinaw ni Padaca na dedesisyunan pa ng Comelec kung matutuloy o ipagpapaliban ang barangay elections sa Zamboanga City dahil sa patuloy na kaguluhan sa lugar, bunsod ng paglalaban ng militar at ng Moro National Liberation Front (MNLF).


Mismong si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ang nagsabi noong Biyernes na sa susunod na linggo na pagdedesisyunan kung matutuloy ang barangay elections sa Zamboanga City, batay sa ulat ng kinatawan ng Comelec at ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng sitwasyon sa lungsod.


Target ng Comelec na matapos ngayong buwan ang pag-iimprenta sa 54,051,626 balota, dahil ipamamahagi na ang mga ito sa Oktubre 17-18. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ballot printing, matatapos na


No comments:

Post a Comment