(AFP)— Binato ng sapatos ang motorcade ni Iranian President Hassan Rouhani habang parating siya sa kanyang bahay sa magkahalong reaksiyon sa kanyang makasaysayang pagtawag sa telepono kay US President Barack Obama.
Pinuri ng mga pahayagang Iranian ang unang pakikipag-usap sa US president sa loob ng mahigit isang dekada bilang pagwawakas sa taboo.
Ngunit ang 15-minutong pakikipag-usap ni Rouhani sa lider ng bansa na itinuturing nilang “Great Satan” ay hindi kinaya ng mga hardliner.
Halos 60 ang nagtipon sa labas ng Mehrabad Airport ng Tehran noong Sabado, sumigaw ng “Death to America” at “Death to Israel” habang dumaraan ang kanyang motorcade. Ngunit nasapawan sila ng 200 hanggang 300 tagasuporta ng presidente na sumigaw naman ng “Thank you Rouhani.”
Binato ng sapatos si Rouhani habang nakatayo sa kanyang sasakyan para batiin ang mamamayan. Masuwerteng hindi siya tinamaan.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment