Beijing (AFP)– Nagbabala ang world number one na si Novak Djokovic sa muling umaangat na si Rafael Nadala na hindi niya
pakakawalan ang top spot ng walang laban at naghahanda nang idepensa ang kanyang korona sa China Open.
Naging mainit si Nadal ngayong season, umangat sa ikatlong puwesto sa all-time list ng Grand Slam champions matapos sungkitin ang panalo laban kay Djokovic sa U.S. Open ngayong buwan at maaaring maging world number one ang Spaniard sa unang pagkakataon mula Hulyo 2011 kung magiging maganda ang pagpapakita nito sa Beijing.
Inamin ni Djokovic na ang kasalukuyang number two ay mayroong mas solidong performance ngayong season, ngunit sinabi niyang kumpiyansa siyang magagawa niya rin ito sa Beijing kung saan hindi pa siya natatalo sa kanyang naunang tatlong paglahok sa torneo, matapos ng kanyang pagwawagi noong 2009, 2010, at noong isang taon sa final laban kay Jo-Wilfried Tsonga.
“As long as there is a chance, I will fight for that top spot,” aniya sa pinagsamang ATP at WTA event, na idaraos sa Olympic Park ng Beijing. “But, again, with no doubt he has the best results this year. This year he’s been the best player in the world. I have been having ups and downs throughout this year. But still it was a quite good season for me, but it’s not over.”
“I want to focus on this week’s China Open because this is where I traditionally play well, and I would like to have another successful week.”
Si Djokovic ang top seed sa Beijing, nangunguna sa number two na si Nadal, ayon sa website ng ATP.
Makakaharap ng kasalukuyang kampeon ang Czech na si Lukas Roso, nasa No. 46 sa ranking sa mundo, sa kanyang pambungad na laban, habang si Nadal ay makakalaban ang isang qualifier na hindi pa pinapangalanan.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment