Saturday, September 28, 2013

Checkpoints, binuksan para sa gun ban

Ni Mary Ann Santiago


Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ang pagmomonitor sa mga checkpoint na itinayo ng mga awtoridad, kasabay sa implementasyon ng gun ban kahapon para sa nalalapit na Barangay elections sa Oktubre 28.


Kasama ni Brillantes si Commissioner Eliash Yusoph, chairman ng Gun Ban Commission, sa paglilibot sa mga checkpoint na ipinuwesto sa Navotas, Malabon, Caloocan, Pasig, Taguig, Makati at Pasay.



Ayon kay Commissioner Grace Padaca, may mga nasampulan na agad sa mga checkpoint na itinayo ng Philippine National Police (PNP) na tulad na lang sa Pasay checkpoint kung saan iprinisinta kay Brillantes ang isang ice pick at isang hand grenade na nakumpiska mula sa mga nasabat na umano’y holdaper.


“At Pasay cheickpoint, police presented to Chair (man) Brillantes an ice pick and hand grenade allegedly taken from a holdupper,” tweet ni Padaca. “Chair (man) Brillantes and Gun Ban Commssion chair (man) Yusoph led monitoring of checkpoints midnight as gun ban started at Navotas, Malabon, Caloocan, Pasig, Makati and Pasay,” ayon kay Padaca.


Nabatid na nagtayo ng mga checkpoint ang pulisya sa anim na area sa Metro Manila kasabay rin sa pagsisimula ng election period na magtatapos sa ganap na 12:00 ng madaling araw sa Nobyembre 12.


Ani Padaca, kabilang sa nilagyan ng checkpoints ay ang Navotas-Malabon area, Monumento sa Caloocan City, Trinoma, North Avenue sa Quezon City, Pasig-Ortigas area, Kalayaan, Makati, Fort Bonifacio area at Pasay, Paranaque Airport road area.


Nilinaw rin ng poll body na ang mga gun ban exemption na inisyu para sa May 13, 2013 National and Local Elections ay kanilang kikilalanin para sa barangay elections.


Ang mga lalabag sa gun ban ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo ng hanggang anim na taon, permanenteng diskwalipikasyon sa pag-upo sa anumang public office at pagkakaitan ng karapatang bumoto.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Checkpoints, binuksan para sa gun ban


No comments:

Post a Comment