Sunday, September 29, 2013

Highly-rated show, mamamaalam na

Ni Jimi Escala


MAY nakarating na tsika sa amin na nakatakda nang mamaalam sa ere ang isang very popular program ng numero unong TV station.


Ilang taon na ring namamayagpag sa ratings chart ang naturang programa. Isa ito sa mga programa ng istasyon na talagang ipinagmamalaki ng mga bossing ng network dahil talagang tinututukan ng viewers.



Pero sadyang may hangganan ang lahat.


Sa ilang taon nang pamamayagpag sa ere, hindi na mabilang ang mga itinapat na programa na natalo at napilitang sarhan ng kalabang network, nawalan na ng kakumpetensiyang show ang programang tinutukoy namin.


Pero ayon sa aming very reliable source, napagdesisyunan ng management na, “It is about time na mamaalam na ito sa viewers.”


“Mahigit isang dekada na rin naman ang pamayagpag ng ___ ____ (TV show), pero nakakagulat kung bakit kailangan na rin itong tanggalin,” sey ng kasamahan naming reporter.


Sa nakarating na tsika sa amin, may kapalit agad na programa ang main host ng show, same format, pero ililipat sa ibang timeslot.


Ang hindi lang malinaw sa amin kung ano ang mangyayari sa co-hosts na wala pa raw kaalam-alam sa plano ng network.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Highly-rated show, mamamaalam na


No comments:

Post a Comment