Saturday, September 28, 2013

Jennifer Lawrence, magbibida sa ‘East of Eden’

LOS ANGELES – Magbibida si Jennifer Lawrence sa bagong pagsasapelikula ng klasikong American novel na East of Eden

ni John Steinbeck, iniulat ng Deadline.com.


Muling makakatrabaho ng 23-anyos na aktres, na nanalo ng Oscar Best Actress para sa kanyang pagganap sa Silver Linings Playbook, ang direktor ng Hunger Games na si Gary Ross para sa bagong pelikula.



Ang updated na bersiyon ng kuwentong Cain at Abel ni Steinbeck ay nakatutok sa magkapatid na lalaking magsasaka sa California bago nagsimula ang World War I, na nakatuklas sa mga ipinakalilihim ng kanilang ina, na inakala nilang patay na.


Si Jennifer ang gaganap sa papel ng ina.


Napaulat na nais ni Ross na isalaysay ang kuwento sa dalawang pelikula.


Ang nobela ay orihinal na isinapelikula para kay James Dean noong 1955, at idinirehe ni Elia Kazan.


Ikalawa na ito sa nobela ni Steinbeck naisasapellikula ngayong taon, pagkatapos na magkasundo ang Dreamworks at si Steven Spielberg para sa bagong bersiyon ng seminal work ng awtor na The Grapes of Wrath. – Deutsche Presse Agentur


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jennifer Lawrence, magbibida sa ‘East of Eden’


No comments:

Post a Comment