Inakda nina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Neri Colmenares, isinusulong ng House Bill 2105 na obligahin ang pagpapaskil ng notice ng fees at charges sa mga ATM screen at monitor bago makumpleto ang anumang transaksiyon.
Inihain ang panukala sa House of Representatives sa harap ng anunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Huwebes na maglalabas ito ng kautusan na pipigil sa pagtaas ng interbank ATM transaction fees.
Ang aksiyon, nagsimula sa Monetary Board ng BSP, ay naghihintay ng review sa paghahayag ng mga requirement sa mga consumer at sa tunay na singil na ipinapataw ng mga bangko.
Tinukoy ng dalawang Makabayan bloc na ang Banco De Oro, Metropolitan Bank & Trust Co. at sister firm na Philippine Savings Bank ay nakatakdang magtaas ng kanilang ATM fees simula sa Oktubre 1.
Nagtaas naman ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng kanilang singil noong nakaraang taon.
“We want the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to explain even last year’s ATM increase, particularly by the BPI. Congress should immediately look into these increases,” sabi ni Zarate.
Sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco Jr. na ang mga bangko ay malayang magpataw ng transaction fee sa paghahatid ng anumang serbisyo ngunit binigyang diin na dapat na maging transparent o batid ng publiko ang mga bayaring ito. – Ellson Quismorio
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment