Sunday, September 29, 2013

Mababang presyuhan ng palay, inireklamo

malaking pagkalugi sa mga inaning palay ngayong anihan at nangangambang posibleng malubog sa utang.


Ayon kay Ka Jamin Del Rosario, 75, magsasaka ng Sitio Pudyot sa Barangay Baloc, Sto. Domingo, “Hindi na yata kami makakaahon sa malaking bayarin sa bangko’t kooperatibang pinagkakautang namin kapag ganito nang ganito ang kinalalabasan ng aming mga paghihirap sa pagsasaka para lamang mabuhay.”



Sinabi ni Del Rosario na lagi na lang binabarat ng mga mapagsamantalang palay trader ang mga magsasaka—na karamihan ay nakikisaka lang—at halos ang mga ito na ang nagdidikta sa presyuhan ng palay.


Iginiit naman ng ilang grupo ng magsasaka sa Nueva Ecija na kung determinado ang gobyerno na tulungan silang maiahon sa hirap at dapat na itaas ang presyo ng palay at ibaba ang presyo ng bigas, gayundin ang pestisidyo at abono. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mababang presyuhan ng palay, inireklamo


No comments:

Post a Comment