EL SEGUNDO, Calif. (AP)– Bumababa mula sa eroplanong galing Dubai si Kobe Bryant at agad nagtungo sa training complex ng Los Angeles Lakers kahapon upang samahan ang mga kakampi sa unang araw ng kanilang training camp.
Bagamat komportable nang nakakakilos si Bryant matapos operahan sa Achilles tendon, hindi pa niya sigurado kung kailan niya masasamahan ang Lakers sa kanilang practice court sa kanilang paguumpisang magtrabaho upang makabawi sa nakadidismayang kampanya sa nakaraang season.
‘’I feel good,’’ sabi ni Bryant. ‘’I don’t think we have a particular timetable as to where I should be right now, but I’m feeling good.’’
Mas sigurado naman si Kobe sa ibang bagay.
Malakas siyang magbabalik mula sa kanyang injury, at kaya ng Lakers na lumaban para sa isa pang titulo kahit wala si Dwight Howard.
‘’Our expectations are always the same going into every single season,’’ pahayag ni Bryant. ‘’Improve every single game with the goal in mind of winning the championship. Doesn’t matter what anybody else is saying. That’s the goal that we have.’’
Matapos ang isang offseason na nagumpisa noong Abril, nang mapunit ang kanyang tendon sa laro kontra Golden State, malayo pa bago muling umapak sa loob ng court si Bryant.
Alam ni Bryant na maaaring hindi pa siya maging handa para sa opening night sa Oktubre 29, ngunit hindi niya isinusuko ang kahit anong bagay tungkol sa kanyang comeback.
‘’My goal is to play tonight, you know what I mean?’’ tanong ni Bryant. ‘’It’s about being smart about it and pacing it the right way and just seeing how it does. It’s really just a strength thing now. I’m just seeing how it holds up, and then how the recovery holds up after that. The procedure and the therapy right after that really got me ahead of the curve. It feels like the hard part is over.’’
Si Bryant at ang Lakers ay maagang sumabak sa training camp, bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na biyahe sa China. Hindi lamang si Bryant ang mauupo sa sideline ng Lakers sa pag-uumpisa ng camp. Ilang araw ding magpapahinga si Pau Gasol habang unti-unting nagpapakondisyon matapos ang kanyang offseason treatment para sa tendinosis sa kanyang mga tuhod, at babantayan naman ang mga minuto ni Steve Nash upang mapanatili siyang malusog.
Ilang bagong mukha rin ang kailangang maging pamilyar sa sistema ni coach Mike D’Antonio matapos idagdag ang mga beteranong sina Nick Young, Chris Kaman, Jordan Farmar at Wesley Johnson, kabilang ang mga bagong assistant coach na sina Kurt Rambis at Johnny Davis.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment