Sunday, September 29, 2013

Pulis, drug pusher, arestado sa buy-bust

Ni Jeffrey G. Damicog


Isang pulis at isang umano’y drug pusher ang dinakip at P120,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buybust operation sa Misamis Oriental, sinabi kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Kinilala ni PDEA Director General, Undersecretary Arturo Cacdac Jr., ang mga naaresto na sina PO1 Jovic Caperal, 34; at Lys Chipada, 36.



Sinabi ni Cacdac na si Caperal, na nakatalaga sa Medina Police, ay kilalang protektor ng mga drug pusher sa Medina, Misamis Oriental.


Ayon kay Cacdac, inaresto sina Caperal at Chipada bandang 11:00 ng gabi nitong Miyerkules sa Barangay Cabug, Medina, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10), na pinangasiwaan ni Director Emerson Margate, katuwang ang Gingoog City Police at Medina Police.


Nasamsam ng awtoridad mula sa mga suspek ang 34 na maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet na may methamphetamine hydrochloride o shabu.


Sinabi ni Cacdac na ang shabu ay may timbang na 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.


Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang Ingram MII 9mm pistol; isang .45 caliber pistol; isang Norinco .45 caliber pistol; apat na cellphone na ginagamit umano sa transaksiyon ng ilegal na droga; P2,000 cash; isang maliit na itim na backpack; isang brown wallet na may mga ID; at isang pula na Hyundai Atoz (KGP-594).


Kakasuhan sina Caperal at Chipada ng paglabag sa Sections 11 at 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pulis, drug pusher, arestado sa buy-bust


No comments:

Post a Comment