Monday, September 30, 2013

Minahan, inireklamo sa pang-aabuso

Nais ni House Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na kumilos ang gobyerno laban sa tatlong kumpanya ng minahan sa kanyang lalawigan na lumabag umano sa karapatang pantao ng mga residente.



Sa kanyang privilege speech, hiniling ni Padilla ang agarang deportasyon ni Brennan Lang, general manager ng Oceana Gold, dahil umano sa mga gawain nitong nakasasama sa mga residente ng Barangay Didipio sa Kasibu, partikular ang pagpapaaresto at pagpapakulong umano nito sa magsasakang si Eduardo Licyayo na sinasabing tumanggi na ibenta ang bukid sa kumpanya.


Ipinakakansela rin ni Padilla ang exploration permit ng Royalco Resources, Ltd., at binanggit din ang pag-bulldozer umano ng FCF Minerals sa mga bahay sa Bgy. Runruno sa Quezon may ilang buwan na ang nakalilipas, na ikinasugat ng ilang residente. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Minahan, inireklamo sa pang-aabuso


No comments:

Post a Comment