Monday, September 30, 2013

Pamamahagi ng Hacienda Luisita, sisimulan ngayon

Makalipas ang maraming taon ng pakikibaka para sa lupa, sa wakas ay ipapamahagi na ngayong Lunes sa mga benepisyaryong magsasaka ang titulo ng sakahan ng Hacienda Luisita sa Tarlac.


Inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary for Legal Affairs Anthony Parungao na sisimulan na ngayong Lunes, Setyembre 30, ang pamamahagi ng certified true copy ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga benepisyaryong magsasaka sa 10 barangay ng Hacienda Luisita, at gagawin ito hanggang sa gitnang bahagi ng Oktubre.



Sinabi ni Parungao na noong Setyembre 25 ay 5,800 kuwalipikadong magsasaka ang lumagda at naghain ng aplikasyon sa Purchase and Farmers Undertaking (APFU) sa DAR at inirehistro sa Register of Deeds.


Nabatid na 296 na magsasaka ang kumuha ng Certificate Lot Allocation (LAC) at 377 pa ang lalagda at maghahain ng APFU.


Ang pamamahagi ng CLOA ay sisimulan sa Barangay Pando ngayong Lunes, kasunod sa Bgy. Motrico sa Oktubre 1, at sa Bgy. Lourdes sa Oktubre 2.


Mamamahagi rin ng titulo sa Bgy. Parang sa Oktubre 8, sa Bgy. Mabilog sa Oktubre 9 at sa Bgy. Bantog sa Oktubre 10.


Sa kasunod na linggo, ipamamahagi ng DAR ang mga CLOA sa mga barangay ng Cutcut (Oktubre 15), Asturias (Oktubre 16), Balete (Oktubre 17), at Mapalacsiao (Oktubre 18). – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamamahagi ng Hacienda Luisita, sisimulan ngayon


No comments:

Post a Comment