Sunday, September 29, 2013

Triathletes, pasado sa doping test

Pasado sa isinagawang doping test ng WADA accredited drug testing clinic ang lahat ng mga nagsipagwaging triathletes sa ginanap na Asian Triathlon Championships noong Mayo sa Subic Bay Freeport.


Sinabi ni Tom Carrasco, pangulo ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP), na lumabas na negatibo ang lahat ng resulta sa anim na world ranked triathletes sa ipinadalang dokumento ng nagsagawa ng random drug testing na Machido University, isang WADA accredited clinic na nasa Bangkok, Thailand.



“It is part of our commitment to the IOC with regard to their strict policy on doping. We were happy that all athletes were tested negative during the incompetition testing,” sinabi ni Carrasco, siya din Vice-President ng International Triathlon Union (ITU) at Chairman ng Philippine Olympic Committee (POC).


Isinagawa ang in-competition drug testing ni Dr. Alejandro Pineda matapos mismo ng isinagawang event kung saan ay gumastos ang TRAP ng kabuuang P97,577.


Ang mga nagwagi naman sa event ay sina Yuichi Hosoda ng Japan, Zhihang Jiang ng China at Ryosuke Yamamoto ng Japan sa kalalakihan habang sa distaff side ay sina Mariko Adachi ng Japan, Dan Fan ng China at si Yuka Sato ng Japan.


Itinala ni Hosoda ang 2:01:32 finish time kasunod si Jiang ng China na tumapos sa 2:01:38. Itinala ni Yamamoto ang kabuuang 2:01:52 finish time para sa ikatlong puwesto.


Dinomina naman ni Adachi ang women’s division sa 2:14:17 finish time. Si Sato, nanguna sa karera bago kinapos sa takbuhan, ay may 2:16:38 oras. Si Fan na nagkasya sa ikatlong puwesto ay may 2:17:42 tiyempo.


Nagsipagwagi din sa karera sina August Benedicto, George Vilog, Frank Lacson, Sandra Araullo-Gonzalez, at Monica Torres sa kanilang age group categories.


Kabuuang 630 triathletes ang sumali sa siyam na age group sa men’s at women’s divisions. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Triathletes, pasado sa doping test


No comments:

Post a Comment