Sunday, September 29, 2013

Building ni Enchong, tapos na

TAPOS na pala ang limang palapag na gusaling ipinagawa ni Enchong Dee sa may Cubao, Quezon City. Tuwang-tuwa ang aktor dahil galing ito sa mga kinita’t pinaghirapan niya.


ENCHONG Dee Matagal nang binanggit ni Enchong sa amin, sa presscon pa ng Ina Kapatid Anak, na under construction ang kanyang building na naalala naming kumustahin sa thanksgiving presscon ng Muling Buksan Ang Puso.



“Tapos na, may mga tenant na, si Mama ang bahala ro’n,” sabi ng binata nang makatsikahan namin nang nag-iisa.


Ang apat na palapag ay pinauupahan nila at ang ikalimang palapag naman ay tirahan ng kanilang pamilya para hindi na sila umupa ng bahay since narito na silang lahat sa Maynila. Plano na nilang ibenta ang kanilang bahay sa Naga City.


Sobrang overwhelmed si Enchong sa nangyayari ngayon sa career niya, lalo na sa Muling Buksan Ang Puso na gustung-gusto niya ang kanyang role.


“Ngayon lang ako nakagawa ng teleserye na kapag umuwi ako ng bahay, matutulog ako na nakangiti kasi alam ko, maganda ang mga nagawa kong eksena nang buong araw. Alam ko na naibigay ko sa direktor ko ang mga hinihingi nilang eksena.


“Kaya siguro, isa ‘yun sa mga bagay na kahit pagod na pagod ka, uuwi ka na may satisfaction, may fulfillment kasi alam mo na nagawa mo ang trabaho mo nang maayos,” masayang sabi ng binata.


Ikinatuwa pa niyang lalo nang purihin siya ni Christopher de Leon na gumaganap bilang tatay niya sa serye, kaya marami silang eksenang magkasama. “Grabe naman, pero ang sarap ng pakiramdam na na-appreciate ni Tito Boyet lahat ng eksena namin. Speechless, eh,” masayang sabi ni Enchong.


Gusto rin niyang makatrabaho sina Joel Torre, Bembol Roco at Amy Austria na alam niyang marami rin siyang matututuhan sa larangan ng pag-arte.


Magtatapos na ang Muling Buksan Ang Puso kaya humingi ng bakasyon si Enchong sa ABS-CBN para makasama ang pamilya niya na plano niyang ipasyal sa Mongolia at Beijing, China.


“Humingi po ako ng anim na araw na bakasyon. Aalis lang kami ng family ko ‘tapos pagbalik ko, magsisimula na akong gumawa ng pelikula with Star Cinema and Skylight. ‘Yun muna ang ipo-focus ko,” say ng binata. —Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Building ni Enchong, tapos na


No comments:

Post a Comment