“It is my joy in life to find at every turing of the road, the strong arm of a comrade kind, to help me onward with my load. And since I have no gold to give, and love alone must make amends, my only prayer is, while I love God grant me worthy of my friends.” – Frank Sherman
Noong mabiyuda si Mariel ng kanilang kapitbahay ay halos mamatay ito sa pagdadalamhati dahil sa kagampanan siya noon sa kanyang panganay at nag-iisa sa buhay. Wala siyang kaibigang maasahan pagkat bago lamang silang naninirahan sa pook na iyon. Si Aling Marya at Mang Gener ay naghatid sa kanya sa ospital. Si Aling Marya ang nagbantay at bumili ng kanyang mga kailangan. Dahil sa hindi pa makapag-trabaho si Mariel at tuluyan nang lumapit ito kina Aling Marya. Noong mag-asawang muli si Mariel ay isinama niya ang kanyang anak na si Micah, dalawang taong gulang. Dahil sa American citizen si Albert, naging mister ni Mariel ay dinala silang mag-ina sa States.
Sa Amerika ay hindi maligaya si Mariel gayong nasa kanya na ang lahat. Ang nasa isip niyang lagi ay ang mag-asawa na mhigit nang animnapung taong gulang noon. Wala silang anak na maasahan. Paano na kaya sila? Nasaan kaya sila? Buhay pa kaya sila?
Nagbalikbayan si Mariel, kasama ang kanyang anak na isa nang dalagita, si Micah. Siya ay nagtapos sa kolehiyo bilang summa cum laude sa computer engineering. Alam ni Mariel na matatagpuan rin niya ang matandang mag-asawa pagkat may kapatid si Aling Marya sa palengke ng Balinatawk.
Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ng mag-asawa na noong araw na iyon ay wala na silang ilulugaw.
Ganoon din ang mga luha ng kaligayahan ng mag-iina pagkat maligaya sila at natagpuan nila ang kanilang hinahanap.
Iyong itinanim na buto ng mag-asawa ay naging mabungang puno. At narinig ng Diyos ang panalangin ni Mariel:
“Sana po magnatihan ko sila… Tulungan po Ninyo ako na matagpuan ko sila na itinuring ko na silang mga magulang…”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment