Saturday, September 28, 2013

Bolts, Mixers kapwa target ang buwenamanong panalo sa semifinals

ni Marivic Awitan


Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

6:45 p.m. Meralco Bolts vs San Mig Coffee


Makauna sa kanilang serye ang kapwa hangad ng Meralco Bolts at San Mig Coffee Mixers sa pagsisimula ngayon ng kanilang best-of-five semifinal series ng 2013 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.



Magkataliwas ng kapalaran kung paano umusad sa Final Four round ang dalawang koponan kung saan ay inilampaso ng Bolts ang nakatunggaling Barako Bull Energy Cola, 86-68, sa kanilang quarterfianls match patungo sa semis, habang dumaan pa sa butas ng karayom at do-or-die game ang Mixers bago napayukod ang Alaska Aces. Ang Mixers ay tumapos na nasa ikalawa sa pagtatapos ng eliminasyon.


Umaasa si Bolts coach Ryan Gregorio na magawang maimintina ng kanyang koponan ang maigting na depensa na siyang naging susi sa pagpasok nila sa semis. Ang nasabing diskarte ay kanilang ipinapagpasalamat kay coach Jong Uichico.


“In as much as I would like to really think of ways to describe our run, much of it is attributed to the coaching genius of coach Jong to prepare us defensively,” salaysay ni Gregorio matapos magawa ng kanilang koponan na makatuntong sa semis sa unang pagkakataon.


“The coaching dynamics we have assembled is making its presence felt right now,” dagdag pa nito.


Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng kanilang pananabik na muling makaharap sa isang mahalagang serye ang dati nilang coach na si Ryan Gregorio ang key players ng Mixers, partikular sina James Yap at Marc Pingris.


Gayunman, sinabi ng mga ito na trabaho lang ang magaganap sa kanilang pagitan at walang personalan dahil nanatili namang maganda ang kanilang samahan sa kabila ng paghihiwalay nila ng landas matapos lumipat ni Gregorio sa Meralco mula sa pagiging head coach ng Mixers na kilala pa noon bilang B-Meg Llamados.


Samantala, naniniwala din ang kasalukuyan nilang coach na si Tim Cone na kailangang makapag-execute sila ng maayos sa depensa para magkaroon ng malaking tsansa na mangibabaw sa kanilang serye.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bolts, Mixers kapwa target ang buwenamanong panalo sa semifinals


No comments:

Post a Comment