Sunday, September 29, 2013

YES TO GREEN PROGRAM

BILANG bahagi ng pangangalaga sa ating Inang Kalikasan, inilunsad sa lalawigan ng Rizal nitong ika-26 ng Setyembre ang Ynares Eco System (YES) To Green Program. Ito ang flagship program ng pamahalaan panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nini Ynares. Ginanap ang YES To Green Program sa Ynares Center sa Antipolo kasabay ng paggunita sa ikaapat na taon ng pananalasa ng bagyong ‘Ondoy’ na ang Rizal ay isa sa mga nasalanta noong 2009, na may 172 katao ang

namatay at halos nalugmok ang probinsiya.



Ayon kay Rizal Gob. Nini Ynares, ang YES To Green Program ay nahahati sa tatlong bahagi: paglilinis, pagtatanim ng mga puno at recycling. Sa paglilinis ng kapaligiran, maiiwasan ang mga pagbaha, mapangangalagaan ang Laguna de Bay na pinagkukunan ng pagkaing-dagat na ngayon ay mababaw na dahil sa siltation. Maiiwasan din ang sakit na dengue. Kailangang magtanim upang maging malinis ang hangin, mabawasan ang epekto ng climate change, magkaroon ng pagkain at maiwasan ang soil erosion o pagguho ng lupa. Sa recycling, matutulungan ang mga mamamayan sapagkat may pera sa basura.


Naniniwala si Rizal Gob. Nini Ynares na sa pagtutulungan, ang YES To Green Program ay magtatagumapay at idinagdag na ang Diyos ay maaaring magpatawad anuman ang bigat ng ating kasalanan ngunit ang kalikasan ay hindi tayo mapapatawad sapagkat sa bawat paglapastangan natin sa Inang Kalikasan ay may katapat na kaparusahan.


Sa bahagi naman ni Secretary Nereus Acosta, sinabi niya na ang YES To Green Program ay simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng sektor ng mamamayan na nagmamalasakit at nagmamahal sa ating kalikasan at kapaligiran. Natatangi at una ang YES Program. Sa bansa ay isang inspirasyon at modelo ng pagkakabuklod-buklod, at ang pagsisindi ng mga kandila ay sagisag ng environmental protection.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YES TO GREEN PROGRAM


No comments:

Post a Comment