Ni Marivic Awitan
Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
7:15 p.m. Rain or Shine vs Petron
Unahang makapagtala ng panalo para sa mas magandang panimula at maagang bentahe ang kapwa tatangkain ng Rain or Shine Elasto Painters at Petron Blaze sa kanilang best-of-5 semifinals series ng 2013 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Kapwa direktang umusad sa semis ang dalawang koponan matapos ang kanilang naitalang pagwawagi kontra sa kanilang mga katunggali sa nakaraang quarterfinals kung saan ay pumasok na No. 3 ang Elasto Painters at No. 1 naman ang Boosters.
Parehas na may bentaheng twice-to-beat sa pagtuntong ng playoffs, ginapi ng Rain or Shine ang nakatapat na Globalport Batang Pier, 108-106, habang pinasadsad naman ng Petron ang Barangay Ginebra San Miguel, 101-94.
Isang magandang match-up ang inaasahan sa pagitan ng mentors ng dalawang koponan na minsan nang nagkasama bilang head coach at assistant coach sa Elasto Painters.
Aminado ang protégé na si Gee Abanilla na isang napakalaking hamon para sa kanya ang duwelo nilang ito sa semis.
“I’ve learned a lot from coach Yeng. I know for a fact his leadership skill is very high. And knowing these guys (the E-Painters), semis is going to be such a challenge,” saad ni Abanilla.
Ngunit nangako naman ito na hindi nila sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanila kung kaya’t inaasahan ang isang mainit na labanan sa pagitan nila ng Boosters.
“Our modest goal was to make the semis. Now that we’re here, we now aim for a higher goal,” ayon pa kay Abanilla.
Muli, magiging mahalaga ang papel ng kanilang imports na sina dating Best Import Arizona Reid sa Elasto Painters at Elijah Millsap sa Boosters.
Ngunit tiyak ding aabangan ang suportang maibibigay ng kanilang local teammates na gaya nina June Mar Fajardo, ang leading MVP candidate na si Arwind Santos, at Alex Cabgnot para sa Petron at sina Ryan Arana, Jervy Cruz at Paul Lee naman sa Elasto Painters.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment