Monday, September 30, 2013

Biñan, sentro ng turismo at komersiyo sa katimugan


Sinulat ni Liezel Basa Inigo

Mga larawang kuha ni Zaldy Comanda


ISA sa pinakamaunlad na lugar sa bansa ngayon ang Biñan, Laguna simula nang maging siyudad ito. Matatagpuan dito ang malalaking industrial park at export processing zone, masarap na puto at mga kakanin at maging ang magagandang tanawin o resort, mga pagawaan ng sapatos, sumbrero at iba pa.



Ang siyudad ng Biñan ay binubuo ng 24 na barangay at itinuturing na isa sa first class component city, na tinatayang nasa 34 na kilometro lamang mula sa Manila at napakadaling marating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.


Itinuring din ang Biñan bilang isa sa pinakamayamang munisipalidad bago ito naging siyudad noong 2010, na may annual gross income na P677 milyon noong 2007. Makalipas ang isang taon simula nang maging siyudad ang Binan ay umabot sa P2.7 billion ang total asset nito sa pamumuno na ni Mayor Marlyn “Len” Alonte-Naguiat.


Si Mayor Len ay dalawang terminong naging No .1 councilor, noong 1998 hanggang 2004 at naging vice mayor noong 2004-2007. Naging mayor siya noong 2007 hanggang kasalukuyan. Naging alkalde rin ng Biñan ang kanyang ama na si Arthur Alonte noong 1989 hanggang 1998. Pareho ang kanilang hangarin, lalo pang paunlarin at itaas ang pamumuhay ng kanilang mga mamamayan, katuwang ang kongresista na si Danilo Ramon Fernandez.


Nakatakdang pasinayaan ang moderno at primera klaseng auditorium ng siyudad na may 6,000 seating capacity, na matatagpuan sa likuran ng mala-palasyong City Hall.


Ang dalawang world-class at premiere industrial parks ng Pilipinas ay matatagpuan sa Biñan, ang Laguna International Industrial Park (LIIP) at Laguna Technopark Incorporated (LTI) na malaking tulong sa mga residente dahil sa hatid nitong trabaho. Ilan lamang sa multinational companies sa loob ng industrial park ang Izusu Philippines at Gardenia Philippines.


Bilang halimbawa ng pagiging produktibo ng siyudad, ang Gardenia Philippines ay nakakapag-produce ng 650,000 loaves kada araw. Malaki ang naitutulong sa lungsod ng naturang kompanya tuwing may kalamidad.


Ang Biñan ay sentro rin ng edukasyon sa first congressional district ng Laguna na pinakamarami ang secondary at tertiary schools kasama na rito ang tatlong naglalakihang unibersidad, ang University of Perpetual Help System Laguna, Polytechnic University of the Philippines at De La Salle University.

Paborito ring pasyalan ng mga turista at pamilya ang Splash Island sa San Francisco. Ang Tibagan Falls sa Barangay Malamig ay paborito ring lokasyon ng film shooting katulad ng Hollywood action star ba si Chuck Norris. Ang Jose Rizal Monument Plaza sa tabi ng San Isidro Labrador Parish Church ay dalawa lamang sa landmarks ng siyudad.


Ang Puto Biñan na gawa sa rice flour, binubundburan ng cheese at itlog, ang ipinagmamalaking kakanin sa Binan. Isa si Juliana “Nanay Juling” Samaniego-Santos, na nagsimula pa noong 1945, sa pinakamatandang gumagawa ng Puto Biñan.


Sa Biñan din matatagpuan ang orihinal at mahusay sa paggawa ng sapatos at tsinelas na nagsusuplay sa ilang malls sa bansa. Isa si Ginang Gregorio ng El Moda leather sandals enterprises sa desididong paunlarin pa ang industriya ng sapatos sa siyudad. Dito rin ang pagawaan ng mga sumbreo na opisyal na gamit ng boys scouts at girl scouts, at mga sumbrero na ginagamit ng mga nagsisilbi sa gobyerno. Ayon kay Florencia de Troz, bagamat mura ay primera klaseng materyales ang kanilang gamit sa paggawa nila ng sumbrero.


7 3 4 .. Continue: Balita.net.ph (source)



Biñan, sentro ng turismo at komersiyo sa katimugan


No comments:

Post a Comment