UNITED NATIONS (AFP) – Papasukin bukas ng mga international chemical weapon troubleshooter ang Syria upang simulan ang pinakamalaki at pinakadelikadong disarmament operation sa kasaysayan.
Laban sa mahigit 1,000 tonelada ng sarin, mustard gas at iba pang ipinagbabawal na horror chemical na nakaimbak sa iba’t ibang panig ng bansa, inilunsad ng United Nations at ng pandaigdigang chemical weapons watchdog ang agarang apela sa iilang eksperto sa nasabing larangan para makiisa sa misyon.
Ang mga aplikante ay dapat na handa sa posibilidad ng kamatayan at sa isang imposibleng deadline.
Tinawag ni UN leader Ban Kimoon ang operasyon na “daunting” matapos na bumoto noong Biyernes ang UN Security Council na lipulin ang lahat ng chemical weapons ni Syrian President Bashar al-Assad.
Mangangailangan ng hanggang 200 inspektor, ang misyon ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) ay may kaugnayan sa imbestigasyon ng UN sa malawakang sarin gas attack sa Damascus noong Agosto at sa iba ang hinihinalang pag-atake.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment