Monday, September 30, 2013

Sangkot sa scam, magbago na

Pinayuhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pork barrel scam at korupsiyon na magbagong-loob na.


Ayon kay Tagle, ang nais ng Panginoon ay ang maging mapagbigay ang tao at hindi ganid o mapagkamkam.



“Kahit saan mayroong corruption, kung mapapatunayan ay dapat magbagong loob ang mga gumawa, kailangan ng Diyos na maging mapagbigay at hindi mapagkamkam,” ani Tagle, sa panayam ng Radio Veritas.


Binigyang-diin ng Cardinal na walang halaga ang pagtulong o pagbibigay sa kapwa kung hindi naaayon sa katarungan. Kailangang ibigay at itulong sa kapwa ang nararapat upang ito ay maituring na “charitable o generosity.”


“Lahat tayo ay tumatanggap ng biyaya at tulong ng Diyos, kung tayo ay tutulad sa Diyos sa kanyang pagiging mapagbigay at matulungin ay hindi naman maganda na tayo ay talagang pakabit lamang, tatanggap lamang ng tulong pero kapag oras na para magbigay hindi na magawa iyon. Ikalawa, ang pagtulong ay nagsisimula sa pagbibigay ayon sa katarungan, ibigay sa bawat tao ang nararapat kasi kung minsan hindi pa nga naibibigay ang mga dapat na maibigay ayon sa katarungan ay papaano mo maaasahan na magiging charitable o generous,” ani Tagle.


Tiniyak rin ng Cardinal na kapag nahanap at natupad ng isang tao ang demand of justice sa pagbibigay at pagtulong ay lalago ang buhay at generosity.


“Gawin muna o hanapin muna at tuparin ang mga demands of justice and then diyan mas lalago ang life and generosity,” aniya. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sangkot sa scam, magbago na


No comments:

Post a Comment