Sunday, September 29, 2013

BAKIT ATUBILI?

BAKIT kaya parang atubili at takot ang mga senador, partikular si Senate President Franklin “The Big Man” Drilon na ipatawag si Queen Janet Lim Napoles para humarap sa pagdinig at ilahad ang nalalaman sa P10-billion pork barrel scam na kinasasangkutan diumano nina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at iba pang mga mambabatas?



Kakaiba ba si Ma’am Janet kaya ayaw pirmahan ni Sen. Frank ang subpoena na ipinalabas ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofisto Guingona III? Kung naniniwala si Drilon sa Tuwid na Daan ni PNoy at sa transparency ng administrasyong Aquino, by all means, dapat niyang pirmahan ang subpoena para kay JLN, pagtatanungin ang tinaguriang “Queen of Pork Barrel Scam” para malaman ang buong katotohanan at tamaan ang dapat tamaan sa anomalya!


Nakakabag-damdamin ang larawan ni little Sophie Andrea Damian na lumabas sa mga pahayagan habang nakadukwang at kinakatok ang kabaong ng kanyang amang si lst Lt. Francis Damian na napatay sa bakbakan ng mga rebeldeng MNLF at tropa ng gobyerno sa Zamboanga City.


Akala ni Sophie ay natutulog lang ang kanyang Daddy. Si Lt. Damian ang ikatlong officer na nagbuwis ng buhay sa walang katuturang pagsalakay ng MNLF-Misuari faction sa lungsod na ang layunin ay iwagayway ang kanilang bandila mismo sa city hall at ideklara ang isang Bangsamoro Republik!


Noong Miyerkules, nag-alok si Mega Star Sharon Cuneta ng pabuyang P10 milyon para sa sino mang makapagpapatunay na winaldas lang ng kabiyak na si Sen. Francis Pangilinan ang PDAF/pork barrel nito sa loob ng 12 taon bilang isang senador. Hihiwalayan din daw niya si Sen. Kiko kapag napatunayang ginamit niya ang pork barrel sa maling pamamaraan, tulad sa mga multong NGOs ni Madam Janet.


Mga kababayan, naririto ngayon ang mga lider at kasapi ng Senado at Kamara na mga kinatawan natin at inaasahang maglilingkod sa kapakanan at kabutihan ng bayan, pero sila pala (hindi lahat) ay tagawaldas at tagakurakot ng kabang-yaman at buwis na ibinabayad natin sa pamahalaan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BAKIT ATUBILI?


No comments:

Post a Comment