Sunday, September 29, 2013

‘Kompetisyong’ NCRPO vs NBI sa Davantes slay, pinabulaanan

Ni Beth Camia


Mariing pinabulaanan kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang napabalitang nagkakaroon ng kompetensiya ang pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagresolba sa kaso ng pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.



Sa halip na patulan ang nasabing isyu, sinabi ni Task Force Kae head Chief Supt. Christopher Laxa na iisa lang ang layunin ng NCRPO at NBI, at ito ay ang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.


Una nang napaulat na nawalan ng kumpiyansa ang ilang opisyal sa NBI kaugnay ng pagdakip kay Janet Lim-Napoles noong Agosto para sa kasong serious illegal detention, kaya sa Philippine National Police (PNP) na lang ipinagkatiwala ang kaso.


Matatandaang sa Malacañang sumuko ang sinasabing pangunahing akusado sa P10-bilyon pork barrel scam, na nakapiit ngayon dahil sa serious illegal detention na isinampa ng pinsan at whistleblower na si Benhur Luy.


Sinasabing naging isyu rin ang paglitaw ng balita na may nagbibigay umano ng leak information sa kampo ni Napoles mula sa NBI kaya hindi ito nahuhuli ng ahensiya noong pinaghahanap pa.


Gayunman, sa kaso ni Davantes, ay nagpasalamat si Laxa sa malaking naitulong ng NBI at hangad nilang marami pang mga kaso ang masosolusyunan sa magkatuwang na pagsisikap ng pulisya at NBI.


Siniguro rin ng NBI at PNP na walang fall guy sa kanilang mga nahuling suspek dahil nagtutugma naman ang testimonya ng bawat isa sa mahahalagang punto, bagay na nagbibigay liwanag umano sa tunay na pangyayari sa kaso.


Kinasuhan na ang mga suspek sa pagpaslang kay Davantes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Kompetisyong’ NCRPO vs NBI sa Davantes slay, pinabulaanan


No comments:

Post a Comment