LUMAGO ang export ng Pilipinas ng 2.3 porsiyento sa $4.836 billion nitong Hulyo, 2013, mula sa $4.727 billion noong 2012, iniulat ng National Statistics Office (NSO) noong Setyembre 10, 2013. Nangunguna sa paglago ang electronics, ang top export ng bansa, lumago ng 11.2 % sa $1.893 billion noong Hulyo 2013, mula sa $ 1. 702 billion noong 2012, ipinakita ng datos ng NSO.
Ang paglago sa performance ng merchandise sector, malaking bahagi nito ay dahil sa electronics shipments na katumbas ng 39.1% ng kabuuang exports noong Hulyo, ay nagdala sa export earnings sa $4.863 billion noong Hulyo ngayong taon, tumaas ng 2.3% mula sa $4.727 billion noong nakaraang taon. Ang masiglang electronics export ay iniuugnay sa demand mula sa malalaking trading partners gaya ng Japan, ang top export destination ng Pilipinas noong Hulyo, 2013, katumbas ng 19.8% ng kabuuan, kasunod ng China, 13.2%; United States of America, 12.6%; Hong Kong , 8.5 %; at Singapore, 6.8%. Ito ay sinusuportahan ng paglawak ng exports ng mineral, petroleum, agro-based products, at forest products.
Nakasaad sa NSO report na ang electronic sector ay nananatili sa kanyang 5-6% growth forecast ngayong taon, na inaasahang tataas sa global demand para sa electronic products. Ang mga bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, ay nagkakaloob ng halos 10% ng semiconductor manufacturing services ng mundo, kabilang na ang mobile phone chips at micro processors. Ang iba pang commodities na nag-aambag sa mas mataas na export ng Pilipinas ay ang machinery and transport equipment, na tumaas ng 131.7%, woodcraft and furniture, tumaas ng 44.2%, at chemicals at cathodes, na umakyat ng 22.8%.
Ang Philippines Export Development Plan (PEDP) 2011-2013 ay may goal na $89.2 mula 2013. Ang target ng gobyerno ay $120 billion pagsapit ng 2016. Tinukoy ng PEDP ang export sectors na inaasahan ang paglago: information technology- business process outsourcing, electronics, agribusiness products gaya ng food and coconut minerals, shipbuilding, motor vehicle parts, garments at textiles, homestyle products gaya ng furniture at décor, at wearables gaya ng sapatos, bag, at alahas.
Binabati namin ang National Economic and Development Authority sa pangunguna ni Director–General Arsenio M. Balisacan at National Statistics Office Administrator Carmelita N. Ericta, at iba pang mga Opisyal at Empleado sa kanilang sama-samang pagsisikap upang mapanatili ang mga Pilipino, ang sektor ng pagnenegosyo, ang banyagang komunidad at ang mamumuhunan na well-informed at updated sa economic performance ng ating Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment