Ang Canton Tower, na tinatawag ding “Guangzhou TV and Sightseeing Tower,” ay naging operational noong Setyembre 29, 2010, kasabay ng 2010 Asian Games. Ito ang ikalawang pinakamataas na tore sa mundo, kasunod ng Burj Dubai sa United Arab Emirates, ngunit pinakamataas mula Agosto 2009 hanggang 2011.
Mayroon itong hyperboloid structure, na nakuha ang Russian Empire patent number 1896, ng inhinyero at arkitektong Russian na si Vladimir Shukhov.
Ang istruktura, hitsura at laki ng tore ay binubuo ng dalawang ellipse na nakaikot sa bawat isa. Idinisenyo ito ng mga arkitektong Dutch na sina Mark Hemel at Barbara Kuit, katuwang ang Information Based Architecture Arup ng London.
Ang tore ay ipinangalan sa dating tawag sa Guangzhou City na Canton. – Monch Mikko E. Misagal/ MB Research
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment