LOS ANGELES (AP) — Mayroong subtle, sad reminder ng namayapang bituin ng Glee na si Cory Monteith sa fifth-season debut episode ng TV show.
Nagsimula ang oras noong Huwebes sa pagbabalik-tanaw ng karakter ni Lea Michele na si Rachel Berry, sa callback audition para sa Broadway production ng Funny Girl.
Nang marinig niya ang director at ang bituin (Peter Facinelli, Ioan Gruffudd) na nagsusuhestiyon na marahil ay masyado siyang green, malungkot na naglakad si Rachel sa Manhattan habang inaawit ang Yesterday ng Beatles.
Sa isang bahagi, napahinto siya at pinagmadan ang isang litrato sa kanyang cellphone: Ito ay group shot ng kanyang mga dating kaibigan sa high school glee club, kasama ang karakter ni Cory na si Finn Hudson.
“Oh, yesterday, love was such an easy game to play. Now I need a place to hide away. Oh, I believe in yesterday,” pag-awit niya.
Pumanaw si Cory, 31, noong Hulyo sa drug at alcohol overdose. Ang real-life relationship nila ni Lea ay nasasalamin sa pagiibigan ng kanilang mga karakter sa show.
“Couldn’t have picked a more beautiful & perfect song to start the year with,” nakasaad sa tweet ni Lea noong Agosto, habang nagpapatuloy ang production sa Fox show.
Ang new season ng Glee ay magsisimula sa two-episode salute sa Beatles songbook. Isang tribute kay Cory ang nakaplano para sa episode three, na ilalabas sa Oktubre 10, pinamagatang “The Quarterback” na mula sa kanyang karakter sa high school football role.
Si Cory ay kabilang sa ilang bituin na binigyan ng individual remembrance sa Emmy Awards noong Linggo.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment