London (AFP)— Ang babaeng British na tinaguriang “White Widow” ang nasa sentro ng pandaigdigang paghahanap noong Biyernes nang maglabas ang Interpol ng international notice para sa kanyang pagkakaaresto sa kainitan ng pag-atake sa isang shopping mall sa Kenya.
Si Samantha Lewthwaite, isang 29-anyos na Muslim convert, kasal kay Germaine Lindsay, isa sa apat na Islamist suicide bomber na umatake sa London transport network noong Hulyo 7, 2005, na pumatay ng 52 katao.
Ang Interpol red notice na inilabas noong Huwebes sa kahilingan ng Kenya ay nagsasabing ang mother-of-three ay “wanted by Kenya on charges of being in possession of explosives and conspiracy to commit a felony dating back to December 2011.”
Hindi partikular na tinukoy ng notice ang madugong four-day mall siege sa Nairobi ng Al-Shebab movement, ang kaalyado ng Al-Qaeda sa Somalia. Gayunman sinabi ng Kenya foreign ministry na isang babaeng British ang kabilang sa mga umatake sa Westgate Mall na ikinasawi ng 67 katao.
Anak ng isang sundalong British, inilarawan ng mga kaibigan si Samantha Louise Lewthwaite na masayahing teenager, lumaki sa Northern Ireland at lumipat sa bayan ng Aylesbury, sa northwest ng London.
Nahumaling ang British press sa istorya ni Lewthwaite, ang The Sun noong Biyernes ay naglabas ng headline na “Angel-faced British girl who last night became World’s Most Wanted” sa frontpage nito. Iniulat din ng pahayagan na iniimbestigahan siya ng FBI.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment