Sunday, September 29, 2013

Contractor sa DA, DPWH, ipatatawag ni JV

Nais ni Senator JV Ejercito na palawakin pa ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pork barrel scam at ipatawag na rin ang ilang contractor ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinasabing nakakuha rin ng pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.



Ayon sa senador mula sa San Juan City, noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ngayon ay kongresista ng Pampanga, ay namayagpag umano ang PDAF scam, na bilyun-bilyong piso na pera ng bayan ang umano’y nalustay.


Sinabi ni Ejercito na hihilingin niya kay DPWH Sec. Rogelio Singson ang mga naging transaksiyon sa kagawaran ng isang Joseph Tan, habang kay Agriculture Sec. Proceso Alcala ay ang mga kontratang pinasok ng isang Evelyn Miranda.


Sina Tan at Miranda ay ilan lang sa mga gustong ipatawag ni Ejercito sa Senado para malaman kung totoo ba’ng napunta ang pondo ng ilang mambabatas sa tamang proyekto.


“Hindi naman siguro masama kung magtatanong kami sa kanila kung ginamit ba nang tama iyong PDAF ng isang mambabatas at hindi iyong pinaghatian lang nila,” pahayag ng senador.


Sa impormasyon ni Ejercito, dating ordinaryong contractor lang sina Tan at Miranda subalit nang makakuha na ng kontrata sa gobyerno noong 2004 hanggang 2009 ay biglang lumobo ang yaman ng mga ito, tulad ng negosyante at pangunahing akusado sa P10-bilyon pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Contractor sa DA, DPWH, ipatatawag ni JV


No comments:

Post a Comment