Nakumpleto ang unang round-the-world flight sa loob ng 175 araw nang nagbalik ang dalawang eroplano ng United States Army sa Seattle, Washington noong Setyembre 28, 1924.
Tatlong eroplano ang ginamit sa makasaysayang feat: ang Chicago, Boston, at New Orleans.
Ang mga piloto ng Chicago ay sina Lieutenants Lowell Smith at Leslie Arnold; habang ang New Orleans ay minaniobra nina Lieutenants Erik Nelson at Jack Harding.
Sa kasamaang palad, bumulusok ang Boston habang tinatawid ang Atlantic Ocean. – Mark Anthony O. Sarino/ MB Research
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment