Patuloy na nadadagdagan ang mga kasong kriminal na kinahaharap ni Janet Lim-Napoles, ang negosyanteng nasa sentro ng P10-bilyon pork barrel fund scam, dahil magsasampa ng asunto ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanya kaugnay ng P900-milyon Malampaya fund scam.
Matapos ang isang linggong pagpapaliban, kinumpirma na ni Justice Secretary Leila de Lima na maghaharap ang NBI ng transmittal complaint laban kay Napoles sa umano’y maanomalyang paggastos sa milyun-milyong piso ng Malampaya funds, sa pamamagitan ng mga pekeng non-government organization ng negosyante.
“We were preoccupied by Senate blue ribbon investigation and also by the bail hearings in the serious illegal detention case against Mrs. Napoles in the Makati RTC. Only one team from NBI is handling all of these fact-finding probes,” paliwanag ni De Lima.
Gayunman, tumanggi ang kalihim na magbigay ng mga detalye, gaya ng kung ano ang partikular na kaso na isasampa at kung sino ang mga opisyal ng gobyerno na kabilang sa kakasuhan.
Ngunit sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, na isang dating Cabinet secretary ang sangkot sa scam.
Tumanggi siyang pangalanan ang opisyal, ngunit nabanggit sa mga naunang ulat ang pangalan ni dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman. – Leonard D. Postrado
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment