Saturday, September 28, 2013

Pekeng Pinay, ipina-deport

Isang Chinese na nagtangkang pumasok sa Hong Kong gamit ang pekeng Philippine passport ang pinabalik sa Maynila ngunit inaresto at ikinulong ng mga Immigration officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).



Kinilala ang suspek na si Cai Quiye, na ginamit ang pangalang Aileen de Leon Abella. Siya ay anim na buwang buntis at ninais na makapasok ng Hong Kong upang doon isilang ang pangalawang anak dahil ipinagbabawal sa China ang magkaroon ng maraming anak sa ilalim ng ‘One Child Policy.’


Ayon kay BI-OIC Seigfred Mison si Cai, ide-deport nila sa China ang suspek kapag napatunayan ng BI Board of Commissioners

na nakagawa ito ng paglabag sa immigration law.


“This incident should serve as a warning to other foreigners against dealing with syndicates selling fake Philippine passports,” anang opisyal.


Inamin ni Cai na nagbayad siya sa isang nangangalang Mr. Chen para sa pekeng pasaporte. – Mina Navarro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pekeng Pinay, ipina-deport


No comments:

Post a Comment