Monday, September 30, 2013

Healthy lifestyle, pangontra sa obesity

Isinusulong ang pagtatatag ng isang tanggapang nagtataguyod ng healthy lifestyle upang matugunan ang lahat ng problemang pangkalusugan, gaya ng pagdami ng matataba sa bansa.



Sinabi ni Davao del Norte 1st District Rep. Anthony G. del Rosario na ang itatayong Healthy Lifestyle Office, alinsunod sa House Bill No. 69, ay magmumulat sa lahat ng mamamayan, kabilang na ang mga empleado, sa iba’t ibang seryosong panganib sa kalusugan.


“The rise in obesity and weight-related problems accompanied by the resulting incidence of chronic diseases has created a crisis that burdens the health care infrastructure of our country,” ani Del Rosario.


Ayon sa mambabatas, kailangan ang pagtatayo ng isang Healthy Lifestyle Office upang makapagplano, makapag-develop at makapagpatupad ng pambansang programa na magsusulong at susuporta sa mga aktibidad upang mapagtuunan ng pansin ng mga Pinoy ang kahalagahan ng malusog na katawan.


Batay sa record ng World Health Organization (WHO), masyado nang marami ang matatabang tao sa mundo, kaya naman may 2.8 milyon ang namamatay bawat taon dahil sa obesity. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Healthy lifestyle, pangontra sa obesity


No comments:

Post a Comment