Saturday, September 28, 2013

Am 6:1a, 47 ● Slm 146 ● 1 Tim 6:1116 ● Lc 16:1931

Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman at nakahandusay naman sa may pintuan ang dukhang si Lazaro na tadtad ng sugat at gustong kainin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman. Lumapit sa kanya ang mga aso at hinimod ang kanyang mga sugat. Namatay si Lazaro. Namatay din ang mayaman at nasa impiyerno at nakita si Lazaro na kapiling ni Abraham. Sumigaw siya sa paghihirap niya sa lagablab doon. Sinabi ni Abraham sa kanya: “Alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya siya ngayon ang nasa ginhawa

at ikaw ang nagdurusa…”


PAGSASADIWA

Nakahandusay sa may Pintuan – Tulad ng mga mayayamang taga- Israel at tulad ng mayamang lalaki sa talinhaga, mayroon din tayong mga kapwa na nakahandusay sa ating pintuan. Hindi na natin kailangang tumanaw sa malayo para makita ang mga kapatid nating nangangailangan ng ating panahon o pansin, ng ating kalinga at kawanggawa. Ito ang hindi ng mayamang lalaki sa talinhaga. Nagkamali sila sa paniniwalang sapat na ang mamuhay nang maligaya basta wala silang tinatapakang tao. Anumang biyayang tinanggap natin sa Diyos ay hindi lamang para sa sarili nating kapakinabangan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Am 6:1a, 47 ● Slm 146 ● 1 Tim 6:1116 ● Lc 16:1931


No comments:

Post a Comment