Nasolusyunan na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang problema sa kakulangan ng mga public school teacher, makaraang kumuha ang siyudad ng 900 guro mula sa Department of Education (DepEd).
Sa panayam kay Caloocan City Administrator Oliver Hernandez, sinabi niyang hindi na poproblemahin sa school year 2014-2015 ang kakapusan sa guro, makaraang iutos ni Mayor Oscar Malapitan ang pag-hire ng mga teacher.
Sa kasalukuyan, may kabuuang 88 pampublikong elementary at high school sa North at South Caloocan.
Inamin ni Hernandez na wala nang mapagtatayuan ng karagdagang pampublikong eskuwelahan sa Caloocan, ngunit iginiit na sinimulan na sa lungsod ang Alternative Delivery Mode ng DepEd.
Layunin ng nasabing programa na makabalik sa pag-aaral ang mga nahinto. – Orly L. Barcala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment