BANGKOK (AP)- Na-upset ni Milos Raonic si top-seeded Tomas Berdych, 7-6 (4), 6-3, upang kamkamin ang kanyang ikalimang titulo sa Thailand Open.
Isinagawa ng Canadian ang 18 aces upang biguin si Berdych sa final sa Impact Arena kung saan ay umabot ang kanilang laro sa loob ng 1 oras at 17 minuto.
Sa doubles final, dinispatsa nina third-seeded Jamie Murray ng Great Britain at John Peers sina fourth-seeded Tomasz Bednarek at Johan Brunstrom, 6-3, 3-6, 10-6.
Ito ang ikalimang panalo ni Raonic sa tour, idinagdag nito ang tatlo sa San Jose mula noong 2011-13 at Chennai noong 2012. Napatatag rin nito ang kanyang unbeaten record laban kay Berdych sa 2-0 matapos na talunin rin ang Czech player sa Cincinnati Masters noong nakaraang taon.
May tsansa pa sana si Berdych na makahulagpos sa match na taglay ang set point at 6-5 sa unang set ngunit gumamit si Raonic ng matitinding serve upang puwersahin ang weak return bago naisakatuparang maligtasan ang laro na kaakibat ang forehand winner. Umasa rin ito sa kanyang powerful serves upang puwersahin rin ito sa tie-break, kanyang isinelyo na gamit ang isa pang napakatinding serve.
Naisakatuparan ni Raonic ang nap[akaagang break sa second game upang kunin ang 2-0 lead sa ikalawang set nang tumama sa net ng dalawang sunod na beses si Berdych. Mula sa 5-3, isinakatuparan rin ni Raonic ang isa pang ace upang itakda ang championship point bago tinikada ang nakalululang forehand winner upang kunin ang match.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment