KASAMA sa short list ang pelikulang Ekstra para maging official representative ng bansa sa Best Foreign Language Category ng Oscars, pero ang Transit ang napili ng komite.
Umpisa pa lang ay hindi umaasa si Vilma Santos na mapipili ang kanyang first ever indie movie, kaya hindi isyu para kanya kung nalaglag man ito. Malaki na ang pasasalamat ng gobernadora ng Batangas sa Film Academy of the Philippines na napasama ang pelikula niya sa mga pinagpilian.
Naging top-grosser sa Cinemalaya Independent Festival at kumita rin nang ipalabas ang Ekstra sa commercial theaters.
“Alam n’yo naman na hindi ko naman pinasok ang indie world at gumawa ng isang pelikula na kagaya ng Ekstra para lang ilaban sa anumang festival. Ang sa akin, gusto ko lang subukan at maranasang gumawa ng indie movie.
“To win an award, eh, bonus na lang siguro ‘yun,” sey ni Governor Vi. Samantala, nakipag-meeting na si Ate Vi sa mga bossing ng Star Cinema for a new movie project. May ibinigay nang script kanya na mukhang positive ang dating. Gayunpaman, pinag-aralan pa niya ito nang husto.
May alok ding TV project ang ABS CBN sa kanya. Kaarawan niya sa November 3, and we heard na may plano ang Dos na ituloy na ngayong taon ang TV special na hindi naisakatuparan last year. —Jimi Escala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment