Sunday, September 29, 2013

Mamamayan, lilikom ng pabuya sa paghahanap kay Malik

Nina Nonoy E. Lacson at Genalyn D. Kabiling


Inilunsad kahapon ng mga residente ng Zamboanga City ang kampanyang “Piso-Piso” upang makalikom ng pondo na gagamitin pabuya para sa agarang pagdakip kay Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Habier Malik, “dead or alive.”


Malaking palaisipan sa mga residente kung nasaan na si Malik, na namuno sa mahigit 300 armadong rebelde na sumalakay at kumubkob sa ilang barangay sa lungsod, madaling araw noong Setyembre 9.



Inihayag ng mga dismayadong residente sa himpilan ng DXRZ radio station na ilulunsad nila ang kampanyang “Piso-Piso” upang makalikom ng pabuya sa agarang ikadarakip ni Malik.


Anila, hindi sila kuntento sa sinabi ng gobyerno na hindi na kailangang kabilang si Malik sa mga miyembro ng MNLF na nadakip o napatay sa tatlong linggong pakikipaglaban ng grupo sa militar.


Para sa pagsisimula ng kampanya, ipinuwesto ng grupo ang isang gallon size na lalagyan ng mineral water sa labas ng himpilan ng DXRZ para makalikom ng barya o anumang halaga mula sa taga-Zamboanga City na determinadong madakip at mapanagot si Malik.


Karamihan sa mga nagbigay ng kontribusyon ay nagpahayag ng kanilang galit sa anila’y kabiguan ng militar na madakip si Malik, pero idineklara pa ring tapos na ang krisis sa lungsod.


Hindi pa tapos ang bakbakan, ayon sa isang donor, dahil umaalingawngaw pa rin ang barilan sa mga barangay ng Sta. Catalina at Sta. Barbara.


Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Presidential Communications Development Secretary Ramon Carandang na hindi pa masasabing tapos na ang labanan sa Zamboanga City dahil patuloy na tinitiyak ng militar na hindi na makaaabante pang muli ang MNLF sa lugar.


“There are still clearing operations so the situation in Zamboanga is not yet back to completely normal. There are clearing operations since there may be some stragglers in Zamboanga,” sinabi ni Carandang nang kapanayamin sa radyo. “So it’s not completely over yet.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mamamayan, lilikom ng pabuya sa paghahanap kay Malik


No comments:

Post a Comment