Sanhi ng kanilang natamong nakapanlulumong pagkabigo sa kamay ng University of Santo Tomas sa katatapos na UAAP Season 76 Final Four round, naghalo ang emosyon at mas nagulo ang direksiyon ni Bobby Ray Parks tungkol sa kanyang basketball career.
Lalong naging magulo ang isip ni Parks kung ano ang kanyang susunod na hakbang sa kanyang pagiging isang basketbolista matapos ang 69-76 pagkabigo ng National University na siyang top seeded sa katatapos na semifinals sa kamay ng No. 4 seed UST.
“I’m not sure,” ayon kay Parks.”There’s a lot of things on my mind right now. I’ve got some thinking to do.”
Kahit ang kanyang dapat na paglalaro sa koponan ng Banco de Oro sa PBA D-League ay hindi na rin kayang tiyakin ni Parks.
“D-League not sure. Probably, I’ll train in the States. I don’t know. I have lots of things going through my mind right now,” paliwanag ni Parks na nagsabing ang tanging natitiyak lamang niya sa ngayon ay ang kanyang kagustuhan na makapaglaro
sa NBA.
“Of course, it is still an option. That is my goal and my dream.” Bagamat aminadong napakasakit ang kanilang naging pagkatalo, sinabi naman ni Parks na marami silang natutunan sa nakaraang laro kung saan naging unang koponan ang Tigers na tumalo sa top seed team at makapasok sa finals magmula nang gamitin ang Final Four format sa liga noong 1994.
“They are veterans. They played their type of basketball,” pahayag ni Parks. “We fell short. We’ll see where it goes.”
Ayon pa kay Parks, hindi sapat ang kanilang experience kumpara sa tatlo pang mga koponan na nakaabot sa semis at ito ang unang dahilan ng kanilang naging pagbagsak.
“We are the new kids on the block. Every team has been there, done that. It’s a learning experience for us.”
“We didn’t executed. We were frantic. We didn’t make our shots. We made extra passes but we weren’t making our shot,” pagtatapos ni Parks.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment