TINANONG namin si ‘Nay Cristy sa panayam namin sa kanya sa mini-presscon ng Showbiz Police sa TV5 studio sa Reliance, Mandaluyong City kung kailan naman namin maririnig ang boses ng isa sa miyembro ng pamilya nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congo Lani Mercado.
“Naku anak, nililigaw-ligawan ko na rin, or anybody from the Revilla, hindi, eh, sarado pa sila. Wala pa talaga.
“Gusto ko sana si Princess (kapatid ni Sen. Bong), eh, baka kung anu-ano ang sabihin,” pabirong sabi ni ‘Nay Cristy dahil
masyadong seryoso ang takbo ng usapan namin.
Ang gustung-gusto raw maka-one-on-one ni ‘Nay Cristy sa kanyang “Cornered by Cristy” segment ay ang mommy ng magkakapatid na Randy, Rowell, Junjun at Raymart Santiago na si Mrs. Cielito Santiago.
“Gusto kong marinig si Mommy Celing Santiago, gusto kong marinig ang panaghoy ng isang ina na nasasaktan sa mga nagaganap sa kanyang anak na si Raymart.
“Si Claudine kasi, naglabas na ng kanyang bala, ‘yung daddy at mommyniya, at siMommyCeling, never pang nagpa-interview kahit pa sa mga kaarawan ng mga anak, maski greetings lang, hindi siya nagbibigay. Sabi ko nga kung maririnig siguro ng mundo ngayon ang sakit at panaghoy na nararamdaman niMommy Celing bilang nanay ni Raymart, siguro hindi na kailangan ng husgado,” sabi ni ‘Nay Cristy.
Samantala, tinanong namin ng diretsahan ang TV host/ columnist kung naniniwala siyang gumagamit ng droga si Claudine base sa pagkakakilala niya simula noong bata pa ito.
“Ay, oo naman, isang daang porsiyento, alam na alam naman,” mabilis na sagot sa amin. -Reggee Bonoan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment