Monday, September 30, 2013

Miley Cyrus, gustong gumawa ng ‘history’ sa VMA performance

NEW YORK (Reuters) – Sinabi ni Miley Cyrus na nais niyang gumawa ng kasaysayan at hindi niya pinagsisisihan ang kanyang kontrobersiyal na pagtatanghal sa MTV Video Music Awards noong Agosto.


Sa dokumentaryong Miley: The Movement, na ipalalabas sa MTV sa Oktubre 2, itinampok ang 20-anyos na singer-actress bilang matalino at ambisyosong performer na determinadong gawing No. 1 ang kanyang awiting We Can’t Stop, at tuluyan nang tinalikuran ang kanyang wholesome na karakter bilang Hannah Montana sa Disney Channel.



Tinawag ni Miley na “strategic, hot mess” ang pagtatanghal niya sa VMA noong Agosto kasama si Robin Thicke.


Ang VMA show ay “meant to push the boundaries,” sabi ni Miley, idinagdag na nais niyang maging memorable ang nasabing pagtatanghal, gaya ng pakikipaghalikan ng idolo niyang si Britney Spears kay Madonna sa kaparehong award show isang dekada na ang nakalilipas.


“That’s what you’re looking to do, make history.”


Si Britney, na sisimulan ang dalawang-taon niyang stint sa Las Vegas sa December at sa Planet Hollywood Resort and Casino, at ang iba pang child star ay humarap sa mga personal na problema bago naging matagumpay sa kanilang adult careers. Ngunit para kay Miley, bahagi ito ng pagsisimula bilang bagong artist.


“I felt like I could finally be the bad bitch I really am,” sinabi ni Miley sa dokumentaryo.


Ang hitsura ngayon ni Miley — gold fingernails, maraming tattoo at maikli, platinum na buhok — ay malayung-malayo sa Miley na nakilala ng publiko nang magbida sa Hannah Montana, na napanood mula 2006 hanggang 2011.


At para bigyang-diin ang bago niyang imahe, nag-pose siya nang topless para sa cover ng October 12 issue ng Rolling Stone magazine at para sa isa sa mga cover ng album niyang Bangerz, na ire-release sa Oktubre 8. Naghubad din si Miley sa music video ng awitin niyang Wrecking Ball.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Miley Cyrus, gustong gumawa ng ‘history’ sa VMA performance


No comments:

Post a Comment