Sunday, September 29, 2013

1st Press Photographers of the Philippines Racing Cup

Wala nang makapipigil pa!


Tuloy na tuloy na Bayang Karerista ang 1st Press Photographers of the Philippines Racing Cup na gaganapin sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.



Ito ay hahataw sa Oktubre 13 kung saan ang proyektong ito ay nabuo sa pamamagitan ng tulong ni Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Angel L. Castano Jr. at Commisioner Jesus B. Guce.


Ang karera ay pamumunuan ng Press Photographers of the Philippines (PPP) kung saan ang kikitain ay para mabenipisyuhan ang mga nangangailangang miyembro at bukod pa sa mga nakapilang proyekto ng asosasyon.


Tampok sa gabi ng karera ay ang 1st Press Photographers of the Philippines Racing Cup na inisponsoran ng Philracom.


Ang charity stakes race ay pinagkalooban ng Philracom ng prize money na P180,000.


Ito ay hahatiin sa apat na bahagi ayon sa paratingan.


Masisilayan ng mga karerista sa pakarera ng PPP ang magagaling na kabayo.


Ang malilikom na pondo rito ay ilalaan sa mga miyembro na nangangailangan ng tulong.


Bilang pangulo ng inyong abang lingkod, kasama ang mga opisyal at mga miyembro ng asosasyon, ngayon pa lamang ay ipinaparating na namin ang lubos na papasalamat kay Philracom Chairman Catano at Commissioner Guce sa tulong na ipinagkaloob ninyo.


Sa mga nais na makakuha pa ng ibang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa cp no.09276173686. Maraming salamat po!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1st Press Photographers of the Philippines Racing Cup


No comments:

Post a Comment